WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥

WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥
flip the other side of the coin :">

Sunday, December 2, 2012

BITTEREST TRUTH


“Sige ka, baka kung kelan handa ka na… wala na sya!”
“Kung mahal naman nya ko talaga, maghihintay sya.”
“Paano kung napagod na sya kakahintay?”
“Hindi sya mapapagod kung totoo yung nararamdaman nya”
Minsan hindi na sapat yung basta mahal ka lang nya. Lahat ng tao napapagod at kapag yan, sobrang nasaktan… kahit gaano ka pa nyan kamahal, magagawa ka pa rin nyang iwan. Tulad ngayon, saka ka pa babalik kung kelan tanggap ko na ang lahat? Kung kelan malinaw na sa sarili ko na hindi ko na kayang mahalin pa ulit at magtiwala sa isang taong katulad mo. Binigay ko lahat ng pagmamahal ko pati na ang tiwala ko pero lahat ng iyong sinayang mo lang, lahat ng yon napunta sa wala. Ilang gabi akong umiiyak akala ko sobrang matagal bago kita makalimutan, sabi ko noon kahit anong galit ang maramdaman ko sayo hinding hindi nun mapapantayan kung gaano kalaki ang pagmamahal ko para sayo pero wala e, sinagad mo yung galit ko kaya ngayon mas higante na sya kesa sa natitirang pagmamahal ko sayo. Hanggang dun lang siguro yun, tama na din siguro yun, pero kahit ganun gusto ko lang malaman mo na nagpapasalamat ako sayo dahil isa ka sa nagturo sakin para magmahal at magtiwala kahit pa walang kasiguraduhan. Hindi ko pa alam kung ano to sa ngayon pero basta alam ko masaya ako. For the last time I’d say this three words, Thank you, I loveD you, GOODBYE. :’)

No comments:

Post a Comment