WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥

flip the other side of the coin :">
Sunday, August 5, 2012
Ganun nga pala talaga pag sobrang Mahal mo yung isang tao. Yung siyam na daliri mo nakabitaw na sa kanya pero yung isa, nakakapit pa at umasang hilahin ka nya at maayos ang lahat. Mas gugustuhin ko pang hindi ko na lang alam yung mga nangyayare sayo. Yung hindi ko na lang nababasa yung mga sinasabe mo sa iba atleast wala na kong dahilan para masaktan. Hindi na lang ako magtatanong kung sino yung ibang nakikita ko sa accounts mo para di mo na kelangan pang sabihin yung totoo. Hindi ko na itatanong sayo kung sino yung mga nakakakasama mo araw-araw, mas gugustuhin ko na lang na hindi ko alam kesa naman mas lalo akong masaktan. Maniniwala na lang ako sa mga bagay na sinasabe mo saken kesa mag-away pa tayo pag pinagdudahan pa kita. Hindi na lang din kita paulit ulit na tatanungin ng mga bagay na sobrang gusto kong malaman, para if ever hindi mo na kelangang magsinungaling sakin. Lahat yan gagawin ko kasi para sakin, mas ok na yung paminsan minsang pag iyak ko nang dahil sayo kesa naman mawala ka sakin. Lahat ng sakit titiisin ko wag ka lang umalis, wag mo lang akong iwanan. Ganun kita Mahal. Sobra pa sa apaw. Kahit anong sakit pa maramdaman ko hindi pa din yun magiging sapat para matakpan yung pagmamahal ko sayo. Hindi ko kaya na mawala ka sakin kahit pa paulit ulit kong marinig sa ibang tao yung mga salitang “ang tanga tanga mo” at “madami pa jang iba” Kahit pa ilang daan, libo o milyong beses kong marinig yang mga salitang yan ikaw pa din ang mamahalin ko, ikaw pa din yung pipiliin ko. At katulad ng kantang ito, KUNG MERONG MAGTANONG TUNGKOL SA AKIN, SABIHIN MO… OK LANG AKO. :|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment