WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥

flip the other side of the coin :">
Sunday, August 5, 2012
ONE STEP CLOSER. (Forward? Backward?)
Sa last post ko, nasabi kong Masaya na talaga ako kasi that’s what I really felt days ago, pero this night, parang nag-iba na naman? Dunno but I felt something which cuts my heart again tonight? Umiiwas na ko pero sa tuwing magkakaron ng pagkakataong magtagpo ang landas natin, hindi ko pa din mapigilang magparamdam. Well, I know part yon ng process pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa mga bagay na alam kong mapapalapit ulit ako sayo. Sa simula iiwas ako tapos piigilan ko ang sarili kong mainvolve sa anything na about sayo pero in the end, gagawin ko pa rin naman. Gumagawa ako ng paraan para mapalayo sayo pero sa huli, mapapalapit lang ulit ako. Hindi ko alam kung tadhana gumagawa ng paraan, masyadong korni para maniwala sa mga bagay na ganon pero at times, parang gusto kong maniwala e. Kung tutuusin madali lang naman talaga akong makakaiwas sayo e pero may mga certain times na parang pinaglalapit na talaga tayo ng fate? Ewan ko ba. Ang ayoko lang yung makita ulit kita sa personal kasi alam ko baka bumalik lahat ng nararamdaman ko para sayo. Baka pag nakita ulit kita hindi ko mapigilan ang sarili ko. Baka mahalin ulit kita. Baka magmukha lang akong tanga. Pero kahit ilang beses kong ipilit sa sarili ko na iwasan ka, wag lumapit sa mga bagay na pdeng magkonekta satin there’s just a part of me na nagsasabing “malay mo pde pa?” hindi ko na talaga maintindihan sarili ko. Sana maging okay na lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment