WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥

WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥
flip the other side of the coin :">

Wednesday, October 3, 2012

FEELINGS NEVER EASILY DIE BECAUSE WE KEEP ON FEEDING THEM WITH MEMORIES :)

Tama nga siguro tong quote na to. Pano mamatay ang isang feeling o nararamdaman sa isang tao kung araw-araw pilit natin itong pinapakain ng magagandang ala-ala mula sa nakaraan? Malamang hindi, mas titibay pa at mas lalala ang nararamdaman mo sa isang tao kung hindi ka matututong mag let go sa mga magagandang ala-ala na nabuo mula noong masaya pa kayo, mula noong wala kang ibang nararamdaman kundi puro saya at pagmamahal. Tapos ngayon, parati mo sya iisipin, Lagi mong aalalahanin yung magagandang ala-ala nung kayo pa, makakalimutan mong may mga iba pang bagay na maaring makapag pasaya sayo mula sa kasalukuyan. Sa madaling salita, mabubuhay ka sa nakaraan kung saan kahit alam mong sobra ka ng nasaktan, lahat ng mapapait na ala-ala ay kukublian mo ng mga bagay na masasaya at lahat ng luha at pait tatakpan ng mga ala-alang puno ng tamis at ngiti sa mga labi. Gabi gabi kang magmumukmok at iiyak tapos sasabihin mo sa sarili mo antanga tanga mo, ayan nasisi mo pa tuloy ang sarili mo kahit alam mo namang wala ka talagang kasalanan. Lahat na ng naging mali sa relasyon mo, inako mo na pero wala pa din namang nangyayare. Sa huli, ikaw pa rin yung masama at ikaw pa rin yung may kasalanan at ikaw naman tong si tanga, hala sige… tanggap lang ng tanggap tapos pangangatwiranang mo ng “pasensya na, Mahal ko lang talaga.” Kahit sobrang nasasaktan at nahihirapan ka na halos hindi mo na maiisip yun, may mga pagkakataon pa nga ng maaring mapabayaan mo ang sarili mo, mahuhumaling ka sa mga bagay na kahit alam mong mali yun na lang ang mapapagtuunan mo na pansin. KUNG SINASABI SA UNA NA HINDI AGAD NAMAMATAY ANG FEELING PARA SA ISANG TAO DAHIL PINAPAKIN NATIN TO NG MGA MASASAYANG ALA-ALA, BAKIT KAYA HINDI NATIN I-TRY NG THE OTHER WAY AROUND? YUNG ANG PURO IISIPIN MO NAMAN AY YUNG MGA MASASAKIT AT MAPAPAIT NA ALA-ALA? MALAY MO, BAKA SAKALING MAMATAY NA AT MALASON NA ANG LINTIK NA FEELINGS NA YAN NA NAKAKAPAGPA GULO NG BUHAY MO.

No comments:

Post a Comment