WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥

WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥
flip the other side of the coin :">

Wednesday, October 3, 2012

SARILI MO MUNA ANG ISIPIN MO :)

Kung dati ang buong oras at panahon mo ay iginugugol mo para sa isang taong naging malaking parte ng buhay mo ngayon dalwang bagay na lamang ang karamay mo sa paniniwalang maubos man sila marami pa rin namang magiging kapalit at sa bawat buga ng usok ay ang paglabas ng sakit na nararamdaman, bawat lagok ng likidong kay pait, kasabay ang paglunok ng pride na sana’y noon mo pa ginawa. Sa isang inuman na may labasan ng hinanakit at sama ng loob magkakaroon ka ng lakas para sabihin sa buong mundo kung gaano mo  kamahal ang taong iyon tapos iiyak ka ng iiyak hanggang sa di mo na lang namalayan na iyon na pala ang huling usok ni kaibigang yosi at huling patak ng mapait na kaibigang si alak. Sa mga oras na iyon, Oo… makakalimutan mo ang sakit pero kinabukasan kapag okay ka na, di ba nandun pa rin naman yung sakit? Hindi mo pa rin naman nakakalimutan yung taong nagdulot sayo ng lahat ng yan. Isipin mo nga, para san pa yung mga ginawa mong yon? Sa wala din naman di ba. In the end sarili mo pa ang naperwisyo mo. Buti sana kung kapag ginawa mo ang mga bagay na yan bigla ka na lang magkakaroon ng amnesia tapos bigla mo na lang makakalimutan yung taong nagdulot sayo ng lahat ng sakit at naging dahilan ng kung ano ang nangyayare sa iyo ngayon. Kung pwede nga lang na ganon e, kung ganon nga lang ba kadali ang lahat. Sana naman, sa mga pagkakatong labis ka ng nasasaktan sarili mo naman ang isipin mo. Magpakatino ka hindi para gawing kundisyon upang balikan ka nya kundi magpakatino para sa sarili mo atsaka mo hanapin yung dating ikaw na nawala buhat noong minahal mo sya. 

No comments:

Post a Comment