“iba ako sa kanila” “maniwala ka sakin” “ikaw lang ang mamahalin ko” “hindi kita iiwan” “hindi kita sasaktan” “hindi kita lolokohin” “ibahin mo ako sa kanila “magtiwala ka lang sakin” “seryoso ako sayo” “PANGAKO, IKAW LANG ANG BABAENG MAMAHALIN KO”-
Yan ang mga famous lines na karaniwan mong maririnig sa mga lalaking walang ibang alam kundi ang magmagaling sa simula.
pareparehas lang naman style nila e, iisa lang din yung mga line na ginagamit nila. Gasgas na yang mga salitang yan e. Mga pangakong palagi namang napapako. susko! sa dami dami ba naman ng kaibigan ko na may iba’t ibang problema sa lovelife, kundi ko man lang ba malapit ng masaulo lahat ng klase ng lalake. kaya ako? sus. pass muna ako sa mga lovelife lovelife na yan. mas maganda yung ganitong single, sarili lang ang iniintindi. dami ko na ngang problema tapos dadagdagan pa ng lalaki edi lalo na yaaan. haha. hindi ko sinasabing pampagulo lang kayo ng buhay mga lalaki pero ang akin lang, umayos naman kayo. kung wala kayong balak mahalin at seryosohin ang isang babae, edi wag nyo ng landiin. hep, teka, sabihin nyo naman nilalahat ko. unfair naman ako. hindi naman sa linalahat ko pero aminin man natin o hindi e halos karamihan sa mga lalaki e ganito. puro landi lamang ang alam. puro pagpapasakay lang ng babae ang trip gawin sa buhay. ayos ayos din. minsan kasi sobrang nakakasakit na kayo e. eto pa, pag kayong kaming mga babae ang nagloko, big deal pero pag kayong mga lalaki, ayos lang. unfair! tsk. basta kung ano man yang mga binabalak nyo sa buhay nyo, wag nyo nang isama ang panloloko sa mga babae. at katulad ng title ng entry na to.
SA DAMI NG MANLOLOKO SA MUNDO, HINDI KO NA ALAM KUNG SAAN ILULUGAR ANG “SERYOSONG” KATULAD DAW NYA. =))
No comments:
Post a Comment