WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥

WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥
flip the other side of the coin :">

Wednesday, October 3, 2012

TIWALA LANG, MAKAKALIMUTAN DIN KITA :')


WALA NA ANG DATING TAMIS AT SA TINGIN KO’Y DI KO NA MAIBABALIK… BAKIT DI KO MAAMING WALA NA ANG DATING DAMDAMIN? DI NA GANUN AT HINDI KO NA KAYANG PILITING MULI MONG ANGKININ. DI NA GANUN. :’(
Hindi  naman siguro masama kung paiiralin ko yung pride ko dba? Hindi rin naman siguro masama kung kahit ngayon lang sarili ko muna yung isipin ko dba? Ngayon lang naman to eh kasi sobrang nasasaktan na ako ayoko ng ma take for granted na iiwan kung kelan gustuhin tapos babalikan na lang pag wala ng iba. Nasasaktan na kasi ako e, this time uunahin ko na munang isipin yung nararamdaman ko, yung sarili ko at yung kasiyahan ko. Pero kung hihimayin ang mga bagay na sinabi kong uunahin ko ikaw pa rin naman ang kakalabasan e. Una, sabi ko uunahin ko ang nararamdaman ko, e ano bang nararamdaman ko? Kahit naman galit ako hinding hindi malalamangan ng galit ko yung pagmamahal ko sayo e. Pangalawa, sabi ko uunahin ko yung sarili ko, e sino bang naging malaking parte ng sarili ko? Ikaw din naman diba? Simula nung minahal kita naging isang malaking parte ka na ng sarili ko at ng buhay ko. Pangatlo, sabi ko uunahin ko yung kasiyahan ko, e sino bang nakakapag pasaya sa akin ng sobra? Ikaw din naman diba. Ikaw yung taong napapasaya ako kahit sa mga maliit lang na dahilan lang. Ikaw yung may pinaka malakng rason sa likod ng mga ngiti ko. Kita mo na? kahit pa anong idahilan ko sa sarili lahat yon konektado pa rin sayo. Siguro mas mabuting sabihin ko na iiwas na muna ako sa mga bagay na nakakapagbigay ng bigat at sakit sa puso ko. Ikaw din naman yun e, ikaw yung nakakapag pasaya sa akin pero at the same time ikaw dn yung nakakapagbigay ng sakit sa akin kaya siguro mas maganda na ring umiwas na rin muna ako. Hindi ko alam kung ano talagang pdeng maging dahilan at kung hanggang kalian ang pag iwas na gagawin ko pero ang alam ko lang gagawin ko to para sa sarili ko. Para hanapin yung dating ako nung minahal kita. Kung nagawa kong maging masaya at kuntento nung hindi pa kita nakikilala, naniniwala ako na kaya ko rin yung gawin ngayon. TIWALA LANG. MAKAKALIMUTAN DIN KITA =))

No comments:

Post a Comment