WHAT GOES AROUND COMES BACK AROUND. ♥

flip the other side of the coin :">
Wednesday, October 3, 2012
I'M JUST INLOVE WITH THE IDEA OF BEING IN LOVE. ♥ CONGRATS!
All this time, akala ko sa kanya pa rin umiikot ang buhay ko, akala ko sya pa rin ang nag ma may-ari ng puso ko. Pagkagising ko, bago ako matulog o sabihin na nating oras-oras naiisip ko sya, naaalala ko sya. At dahil sa mga dahilang yan, buong akala ko na wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko para sa kanya, na Mahal ko pa rin sya. Walang oras o araw na hindi ko nabanggit ang pangalan nya o hindi ko tiningnan yung mga pictures nya. Eh kasi nga e, akala ko sya pa rin. Akala ko, pdeng maging kami pa rin pero lahat ng mga inaakala ko, lahat pala yun talagang akala ko lang, lahat pala yun wala ng katotohanan. Lahat pala yon, bahagi na lamang ng masayang nakaraan, parte na lamang ng napakong pagmamahal. Hindi ko namamalayan na sa bawat pagdating pala ng bawat araw at pagpatak ng oras, unti-unti ko na pala syang nakakalimutan, unti-unti na pala syang nabubura sa puso ko. Hindi ko lang napapagtanto dahil isinasaksak ko sa isipan ko na sobrang mahal ko pa rin yung taong yon na sya pa rin ang nag-iisang nagmamay-ari ng puso ko. Nabuhay ako at kumapit sa pag-asang balang araw ay babalik muli yung dating kami na nawala simula nung nagkalayo kami. Pero “NUNG NAKITA KO ULIT SYA? SAKA KO LANG NAREALIZE… YUNG ISIP KO NA LANG PALA ANG NAGSASABING MAHAL KO SYA. PERO SA PUSO KO WALA NA :)” Kaya pala gustong gusto ko syang makita, kaya pala pakiramdam ko, kaylangan naming magkita, akala ko kaya ko gusto kasi gusto kong magkaron lahat ng linaw kung anong meron samin, kung maari pa bang ibalik kung anong meron kami dati. Pero nung nakita ko sya, ibang linaw ang nakita at naramdaman ko. Nagkaron na ng tuldok sa lahat ng mga katanungan ko. Nung papunta pa lang ako sa kanya, sobrang kinakabahan ako di ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang sobrang saya kasi makikita ko na ulit yung taong sobrang mahal ko. Pero nag-iba lahat nung nakita ko na sya, para bang nagkaron ng sudden change of mood. Yung mabilis na kabog ng puso ko biglang nawala. Parang ordinaryong kasiyahan na lang ang naramdaman ko nung nakita ko na sya, yun bang normal na saya kapag nakita mo yung kaibigan mo na mejo matagal mo ng hindi nakikita at nakakasama. Pati ako, nagulat. Para bang napatanong na lang ako sa sarili ko, “Bakit wala ng spark? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit nawala yung mabigat ng kabog sa puso ko? Bakit parang isang ordinaryong tao na lamang sya?” OKAAAAAAAAAAAY! At dito na nagtatapos ang katangahan ko sa pagpapaniwala sa sarili ko na mahal ko pa rin sya, na mahal ko pa ring yung taong minsang naging mundo ko na all this time, ISIP ko na lamang pala ang nagsasabi at nagdidikta sa sarili kong mahal ko pa sya pero sa puso ko? Burado na pala sya. Congrats! Moved on na pala ako. HAHAHA! =D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment